Home METRO Curfew pinairal sa Legazpi City bago dumating si ‘Pepito’

Curfew pinairal sa Legazpi City bago dumating si ‘Pepito’

LEGAZPI CITY- Nagpatupad ang lokal na pamahalaan sa lugar na ito ng curfew nitong Sabado ng gabi sa gitna ng banta ni Super Typhoon Pepito (international name: Man-yi).

Sinabi ni Mayor Alfredo Garbin na kasado ang curfew ng alas-7 ng gabi, upang tiyaking mananatili ang mga residente sa loob ng kani-kanilang tahanan at evacuation centers.

Hindi naman saklaw nito ang may emergency concerns, at mga tauhang kasama sa disaster response.

Nauna nang ipinag-utos ng Naga City government sa Camarines Sur ang curfew mula alas-12 ng tanghali at suspensyon ng mga operasyon ng mga pribadong establisimiyento.

Ani Mayor Nelson Legacion, ipinagbabawal din ang operasyon ng lahat ng mga sasakyan, maliban sa mga ginagamit para sa emergency response at essential services. RNT/SA