MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng bus patungo at palabas ng Bicol Region bago pa ang inaasahang landfall ni Super Typhoon Pepito.
Sa abiso, sinabi ng LTFRB na ipinalabas ang suspension order “for the prevention of the buildup of stranded passengers and vehicles along Maharlika Highway and other major roads in the areas that will be affected by the storm.”
“Please wait for further notice from the LTFRB before resuming normal operations,” dagdag nito.
Pinag-iingat din ng public land transport regulator ang land travel sa pamamagitan ng mga bus at truck patungong Central Luzon, National Capital Region, at CALABARZON. RNT/SA