Home NATIONWIDE Higit 1,400 Pinoy humiling ng repatriation sa MidEast – DFA

Higit 1,400 Pinoy humiling ng repatriation sa MidEast – DFA

101
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Biyernes, Abril 10, na patuloy ang pagdami ng mga Pilipinong humihiling ng repatriation dahil sa umiigting na tensyon sa Middle East.

Ayon sa datos ng DFA, umabot na sa 1,451 ang kabuuang repatriation requests mula sa overseas Filipinos (OFs). Sa bilang na ito, 945 ang naiuwi na o natulungan na, habang 506 pa ang nakabinbin.

Pinakamaraming request ay mula sa Dubai na may 594, kung saan 317 na ang na-repatriate o natulungan at 277 pa ang pending. Sumunod ang Doha na may 246 requests, kung saan 144 na ang naasikaso at 102 pa ang nakabinbin.

Ayon sa DFA, patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon sa Middle East dahil sa patuloy na kaguluhan at mga airstrike kahit may umiiral na pansamantalang ceasefire sa ilang lugar.

“The DFA, through its Foreign Service Posts, continues to closely monitor developments in the Middle East,” ayon sa ahensya.

Sa UAE, patuloy ang pagtaas ng requests mula sa mga Pilipino, lalo na yaong apektado ng sigalot.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Dubai, may 200 pang pending repatriation assistance requests.

Sa ngayon, umabot na sa 1,478 Pilipino ang naibalik o natulungan, kabilang ang 317 visit visa holders at 1,161 OFWs at kanilang dependents.

May nakatakdang isa pang repatriation flight sa Abril 13 bilang bahagi ng tulong ng gobyerno.

Ayon sa DFA, nagkaroon ng missile strike noong Abril 7 sa UAE kung saan tinamaan ang isang administrative building, at dalawang Pakistani nationals ang nasugatan.

Kinabukasan, iniulat ng UAE ang pag-intercept ng 17 ballistic missiles at 35 drones ng kanilang air defense systems.

Binibigyang-diin ng mga awtoridad ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ceasefire at pagprotekta sa mga mahahalagang ruta ng kalakalan gaya ng Strait of Hormuz.

Tiniyak ng DFA na naka-alerto ang lahat ng Philippine foreign service posts sa Middle East at patuloy na tutulong at magmo-monitor para sa kaligtasan ng mga Pilipino. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here