Home NATIONWIDE Higit 1,800 dokumento sa pagbusisi sa yaman ni VP Sara sa impeachment...

Higit 1,800 dokumento sa pagbusisi sa yaman ni VP Sara sa impeachment trial, mamarkahan

3
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang markahan ang mahigit 1,800 dokumento kabilang ang bank at insurance records na nakuha sa pamamagitan ng court-issued subpoena para sa pagbusisi sa yaman ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, ayon kay Rep. Chel Diokno, lead prosecutor para sa ikalawang impeachment article.

Ang pagmamarka ng mga dokumento ay itinakda ng Senate impeachment court ngayong Miyerkules, Setyembre 9, at Huwebes, Setyembre 10 kung saan suspendido muna ang paglilitis upang makapunta ang prosekusyon at depensa sa gagawin.

Magpapatuloy ang proceedings sa Lunes, Setyembre 14.

Humiling ng oras si Diokno sa korte para markahan ang mga dokumento at tukuyin ang mga financial record na kabilang sa mga inihahanda para sa susunod na article laban kay Duterte.

“I am referring, Your Honor, to the bank records and other insurance records,” ani Diokno.

Dahil naman sa dami ng mga dokumento, humingi ng dagdag na panahon ang prosekusyon higit sa single marking session.

Unang hiningi ni Diokno ang buong raw ng Miyerkules ngunit pinalutang ang posibilidad na palawakin ang aktibidad hanggang Huwebes at Biyernes.

Inilaan naman ni presiding Officer Francis Escudero ang Miyerkules at Huwebes para sa marking.

Pumayag naman ang depensa sa ganitong arrangement.

Sa kabila nito ay nagpahayag ng pangamba si Defense counsel Michael Poa kung mayroong sapat na panahon para pag-aralan ang malaking bulto ng mga materyales bago mag-Lunes.

Dahil dito ay humiling si Poa ng dalawang linggo para maghanda.

Nanindigan naman si Escudero sa petsa ng hearing na itinakda sa Lunes at ipinaliwanag na ang korte ay may limitadong oras lamang dahil sa budget deliberations. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here