MANILA, Philippines – Nasa mahigit isang libong pasahero na ang stranded sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa umiiral na sama ng panahon.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 1,062 pasahero,kabilang ang truck drivers at cargo helpers ang stranded.
Hindi rin pinayagang bumiyahe ang 19 vessels, 549 rolling cargoes at 9 motorbancas habang 15 vessels pa ang hindi rin muna makapaglayag sa Eastern Visayas, Southern Tagalog, Bicol at Western Visayas region.
Ayon sa PCG, may pinakamaraming stranded sa Eastern Visayas.
Mayroon ding 10 sasakyang dagat na kasalukuyang nagtatago sa ligtas na lugar.
Nagpapatuloy naman ang monitoring ng PCG sa mga sasakyang pandagat habang muling pinaalalahanan ang mga byahero at pasahero na ipagpaliban muna ang kanilang paglalakbay habang may umiiral na sama ng panahon sa bansa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)