MANILA, Philippines – ISANG 19-anyos na dalaga ang natagpuan na wala ng buhay at tadtad ng saksak sa kanyang likuran sa gilid ng kalsada sa Trece Tanza Rd Brgy Sania Mayor Tanza, Cavite.
Isinugod pa sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktima na si alyas Christel, dalaga residente ng Brgy Daang Amaya 3, naturang lugar.
Nagsagawa naman ng follow up operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Jules, 32, binata ng nasabing barangay.
Batay imbestigasyon, bandang alas-2:00 kahapon ng madaling araw nang nakatanggap ng tawag ang Tanza Municipal Police Station kaugnay sa isang babaeng natagpuan na nakadapa at duguan sa lugar.
Ayon sa rumesodeng MDRRMO may buhay pa ang biktima kung kaya isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.
Naaresto naman ang suspek at narekober sa kanya ang patalim na ginamit habang inaalam pa kung ano ang motibo sa pagpatay Margie Bautista