Bulacan – Kalunos-lunos ang sinapit ng mag-asawa at kanilang walong taong gulang na babaeng anak matapos aksidenteng masunog sa loob ng e-bike store sa bayan ng Bulakan.
Kinilala ang nasawing ama sa pangalang Marc, 46, kanyang may- bahay, 52 kapwa negosyante at walong taong gulang na babaeng anak, kapwa residente ng Brgy. San Jose.
Sa report, nalamang naganap ang sunog sa kahimbingan ng pagtulog bandang 3:00 ng madaling araw nitong Lunes, September 16 sa Scooter City Trading storesa Brgy. San Jose.
Sinasabing ilang minuto ang lumipas ay nagtulong-tulong ang mga bumbero ng Bulakan at kalapit bayan kaya naapula kalaunan ang sunog.
Sinusulat ito, nalamang dumating ang SOCO para sa proseso ng mga biktima habang tinatayang nasa P1,000,000.00 halaga ang nasirang ari-arian at patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang dahilan sa naturang sunog.
Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kakilala, kaibigan, kaanak sa Facebook post ng ilang netizen sa naturang sunog. (Dick Mirasol III)