Home NATIONWIDE Higit 200 BuCor employees tatanggalin sa trabaho

Higit 200 BuCor employees tatanggalin sa trabaho

MANILA, Philippines- Nasa 275 personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) ang matatangal sa trabaho ngayong linggo matapos mabigo na makumpleto ang eligibility at educational requirements na mandato ng Bureau of Corrections Act of 2013.

Sa ilalim ng naturang batas, binibigyan ang mga Bucor personnel ng limang taon mula sa petsa ng pagpapairal ng batas para makakuha ng minimum educational qualification at eligibility.

Layunin nito na ma-professionalize at mapaangat ang kwalipikasyon ng mga itinatalaga sa BuCor.

Nito lamang Pebrero, nanawagan si BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. kay Justice Sec Crispin Remulla hinggil sa kalagayan ng 275 kawani.

Nabatid na umaabot dapat sa 421 ang matatangal ngunit 41 ang nakapaghain ng early retirement habang 105 ang tumalima na sa eligibility and educational requirements kaya nasa 275 ang posibleng matangal.

Sa kanyang liham kay Remulla, nanawagan si Catapang na bigyan ng awa ang mga apektadong kawani.

Gayunman, tinangihan ito ni Remulla at sinabing hindi na maaaring palawigin pa ang suspensyon ng
attrition system. Teresa Tavares

Previous articleTINGNAN: MMDA presscon sa SC ruling sa single ticketing system
Next articleNegosyante gumanti ng saksak sa kagat ng aso, arestado!