Home METRO Higit 2,400 kabahayan sa Batanes winasak ni ‘Julian’

Higit 2,400 kabahayan sa Batanes winasak ni ‘Julian’

142
0

MANILA, Philippines- Mahigit 2,400 bahay sa Batanes ang napinsala sa pananalasa ni Super Typhoon Julian, ayon kay Governor Marilou Cayco nitong Martes.

Sa isang panayam, sinabi ni Cayco na halos 60% ng 2,463 apektadong bahay ang totally damaged habang 40% ang partially damaged.

“Noong kami po ay naging protected area sa buong Batanes, hindi na kami nakakakuha ng aggregate for home use. So ang ginagamit na nila mga kahoy o tubo na pangposte tapos yero-yero na lang,” paliwanag ng gobernador.

“‘Yan ang magiging panawagan ko na baka pupuwedeng i-moratorium muna ‘yung batas na ‘yun para ang mga tao dito sa Batanes ay makagawa po ng matibay na tirahan dahil kami naman po talaga ay typhoon path,” dagdag niya.

Nagtamo rin ang Batanes General Hospital ng pinsala dahil sa epekto ni Julian. Naiulat din ang power outages at water supply problems sa lalawigan.

Ilang residente ang naitalang sugatan subalit wala namang nasawi, base kay Cayco.

“Hundred percent po affected ang mga tao dito sa Batanes. At meron kaming 172 families na na-evacuate, nasa evacuation centers, 2,543 individuals ‘to,” ani Cayco.

“So first time po naming ito na ganito kadami ang evacuees namin,” patuloy niya.

May kabuuang 77,249 indibdiwal o 22,645 pamilya ang apektado ni Julian sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera, base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here