MANILA, Philippines- Nagpakawala ng tubig ang tatlong dam — Ambuklao, Binga, at Magat — sa gitna ng pananalasa ni Super Typhoon Julian, base sa state weather bureau PAGASA nitong Martes.
Batay sa 8 a.m. dam update ng PAGASA, ang water levels sa nasabing mga dam ay nanatiling malapit na sa normal high water level ng mga ito:
Ambuklao – 751.23 meters, normal level sa 752 meters
Binga – 573.40 m, normal level sa 575 m
Magat – 184.18 m, normal level sa 190 m
Samantala, ang water level sa mga sumusunod na dam ay tumaas noong Martes:
Angat – mula 194.83 sa 194.88 m
Ambuklao – mula 750.51 m sa 751.23 m
San Roque – mula 273.75 m sa 274.62 m
Pantabangan – 201.68 m sa 201.91 m