MANILA, Philippines – Lumabas sa pagsisiyasat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na mahigit kalahati ng mga miyembro ng House of Representatives ay kabilang sa mga political dynasty.
Ayon sa datos, 216 sa 253 district representatives at 36 sa 54 party-list representatives ay may koneksyon sa mga pamilyang politikal.
Bukod pa rito, 71 sa 82 gobernador at 113 sa 149 alkalde ay kabilang sa mga political dynasty.
May mga magkaibang opinyon ang mga eksperto tungkol sa political dynasty. Ang ilan ay nakikita itong benepisyo dahil sa continuity ng kapangyarihan at mga proyekto, samantalang ang iba ay itinuturing na nagdudulot ito ng panganib ng katiwalian at pagkawala ng checks and balances.
Ayon sa mga kritiko, nililimitahan ng political dynasty ang mga pagkakataon para sa ibang mamumuno at nagiging parang “family business” ang pamamahala. RNT