Home NATIONWIDE PUV consolidation muling binuksan ng DOTr

PUV consolidation muling binuksan ng DOTr

Binuksan muli ng Department of Transportation (DOTr) ang consolidation sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP) upang bigyan ang mga operator at drayber ng pampasaherong sasakyan (PUV) ng pagkakataon na sumali sa mga umiiral na kooperatiba o bumuo ng sarili nilang kooperatiba.

Layunin nitong mabawasan ang pinansyal na pasanin ng mga operator na nahihirapan sa mataas na gastos ng modernisadong yunit at mga bayarin sa pagpaparehistro at consolidation.

Maaaring sumali o magbuo ng kooperatiba ang mga operator sa mga lugar na may umiiral na mga ruta, kahit na mababa ang consolidation rate sa ilalim ng 60%.

Magkakaroon ng road worthiness checks sa mga lumang jeepney units upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero. RNT