Home NATIONWIDE Higit 2,700 gun ban violators arestado

Higit 2,700 gun ban violators arestado

MANILA, Philippines- Mahigit 2,700 na ang naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Mula Enero 12 hanggang Mayo 1, nasa 2,787 ang kabuuang bilang ng mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban base sa datos ng Comelec.

Sa bilang na ito, 2,668 ang sibilyan, 47 security guards, 19 miyembro ng Philippine National Police, at 16 miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Umabot sa 2,870 ang kabuuang bilang ng mga baril na nakumpiska sa mga operasyon at sa mga checkpoint.

Kabilang dito ang 2,589 maliliit na baril, 112 replika, 70 pampasabog, 58 light weapons, 32 airsoft gun, at higit sa 10,000 iba’t ibang bala.

Ang panahon ng halalan para sa mga botohan sa Mayo 2025 ay nagsimula noong Enero 12, at kasama nito, ipinatupad ang gun ban.

Naglagay na rin ng mga checkpoint mula noon para ipatupad ang gun ban. Jocelyn Tabangcura-Domenden