ZAMBOANGA CITY- Arestado ang isang 70-anyos na lolo matapos mahulihan ng ilegal na pampasabog sa isang buy-bust operation sa lugar na ito nitong Huwebes.
Nagsagawa ang mga pulis ng operasyon laban kay Munib Asiddin Ajalal sa Sitio Niyog-niyog, Barangay Muti.
Nasabat mula sa kanya ang 30 blasting caps, isang detonating cord, at sako ng ammonium nitrate.
Nahaharap siya sa kaukulang kaso.
Dinala naman ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Criminal Investigation Detection Group-9 para sa dokumentasyon at wastong disposisyon. RNT/SA