Home NATIONWIDE Higit 27K barangay ‘drug-free’ na – Malakanyang

Higit 27K barangay ‘drug-free’ na – Malakanyang

MANILA, Philippines- Tinatayang 27,968 barangay ang nalinis na mula sa ilegal na droga.

Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos tukuyin ang report mula sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PCO, tinatayang P10.41 bilyong halaga ng narcotics ang nasabat o nakumpiska mula Enero hang gang Disyembre ng nakaraang taon.

“That’s on top of 50 provinces, 1,160 municipalities, and 30 cities already have functional Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) already implementing anti-drug priorities at the local level,” ayon sa Malakanyang.

Idagdag pa rito, mayroong 74 established in-patient treatment at rehabilitation facilities ang nakatulong para tugunan ng drug menace.

Sinasabi pa rin na may 23 lalawigan, 447 munisipalidad, at 43 lungsod ang nagtatag ng kani-kanilang community-based drug rehabilitation programs (CBDRPs) para mas lalo pang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Matatandaang matagal nang itinutulak ni Pangulong Marcos ang ‘whole-of-nation approach’ sa pagharap sa drug abuse, nagpapahiwatig na maaari itong mauwi sa chronic illness at social issues kung maiiwan na hindi natutugunan at naaalis.

Aniya, ang approach ay dapat na kinabibilangan ng “prevention, treatment, rehabilitation, at law enforcement” upang matiyak na maipatutupad ang Philippine Anti-Illegal Drug Strategy.

Matatandaang sinabi ng Punong Ehekutibo na itutuon ng administrasyon ang pansin nito sa rehabilitasyon para masawata ang drug menace, ibang atake ito mula sa ‘bloody war’ ng kanyang predecessor na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paglaban sa illegal na droga.

Winika pa ng Pangulo na ang paglansag sa drug syndicates ay kailangan para matugunan ang problema.

“Under the Marcos administration, the Dangerous Drugs Board would continue to implement the Barangay Drug Clearing Program (BDCP), with the goal of attaining 100 percent drug-free or drug-cleared barangays by 2028,” ayon sa PCO. Kris Jose