Home SPORTS Pagreretiro ni LeBron James, nalalapit na

Pagreretiro ni LeBron James, nalalapit na

Halatang malaki ang hinina ni Los Angeles Lakers star LeBron James sa paglalaro at sinabi ng fans na halos naaamoy na nila ang nalalapit na pagreretiro ng NBA star.

Sa laban kontra sa Miami Heat kitang kita ang maraming sablay ni LeBron at hindi na niya mabuhat sa panalo ang kanyang koponan kahapon para itala ang kanilang sunod sunod na pagkatalo.

Nanguna sa panalo ng Miami si Tyler Herro na may 21 puntos.
Naglaro ang Miami na wala ang kanilang star player na si Jimmy Butler.

Natalo ang Lakers sa Miami sa iskor na 110-96.

Umiskor si Duncan Robinson ng 11 sa kanyang 13 puntos sa huling yugto upang pukawin ang breakaway ng Heat. Lahat ng limang Heat starters ay umiskor ng double figures habang ang beteranong si Kevin Love ay may 10-point, 14-rebound double-double.

Sa kabaligtaran, ang dating kakampi ni Love na si LeBron James ay hindi pangkaraniwang tahimik na may 12 puntos, siyam na assist, at anim na rebound sa loob ng 38 minuto sa unang laro ng Lakers pabalik sa Los Angeles matapos ang isang nakakadismaya na road trip.

Si James ay 6-of-18 lamang mula sa field.

Umiskor si Anthony Davis ng 29 puntos at humakot ng 18 rebounds para sa Los Angeles, na ngayon ay natalo sa ikawalong pagkakataon sa kanilang huling 10 laro. Nagdagdag si Austin Reaves ng 24 puntos.
Nasa 20-14 na ngayon ang Heat para sa season.

Previous articleHigit 27K barangay ‘drug-free’ na – Malakanyang
Next articleTsina nagpatrolya sa S. China Sea