Agartala- Pinwersa ng lumalalang sitwasyon sa Bangladesh, kung saan nakita ang malawakang kilos-protesta sa loob ng ilang linggo, na umuwi ang mga estudyanteng Indian sa anumang pamamaraan, kung saan mahigit 300 ang tumatawid sa border points sa northeast nitong Biyernes lamang. Mahigit 100 indibidwal na ang nasawi sa sagupaan ng mga estudyante sa Bangladesh sa security forces at pro-government activists sa muling instroduksyon ng reserbasyon sa mga trabaho sa gobyerno.
Umigting pa nitong Lunes ang mga kilos-protesta, na nagsimula halos tatlong linggo na ang nakalilipas, nang sumiklab ang karahasan sa Dhaka University. Anim na indibidwal ang napatay kinabukasan, dahilan upang ipag-utos ng pamahalaan ang pagsasara ng mga unibersidad sa buong bansa.
Karamihan sa mga bumalik na estudyyante ay kumukuha ng MBBS degrees at marami sa kanila ang mula sa Uttar Pradesh, Haryana, Meghalaya at Jammu and Kashmir. Dalawang ruta ang tinahak ng mga estudyante upang makabalik nitong Biyernes, ang international land port sa Akhurah malapit sa Agartala sa Tripura at ang international land port sa Dawki sa Meghalaya.
Sinabi ng mga mag-aaral na naghihintay sila at nanonood subalit nagdesisyong pansamantalang umalis ng Bangladesh matapos ang halos tuluyang shutdown ng internet nitong Huwebes at bahagyang epekto sa telephone services, dahilan upang mawalan sila ng komunikasyon sa kanilang mga pamilya.
“I am a second-year student at the Marine City Medical College and Hospital in Chittagong. The situation is getting worse and many restrictions have been put in place, which is why we have returned. Many other students have also come back. The internet is not working and we were not able to get in touch with our families. We could not get flight tickets and had to take the road route to Agartala instead of flying home,” wika ni Aamir mula sa Haryana.
“That’s when we found out a quota movement was on. College authorities said the institution would remain shut and, when we spoke to the principal, he suggested that we could return to India if we were feeling insecure. People at the Indian Embassy also gave us the same advice and asked us to get in touch with them if we found it difficult to arrange transportation. We took a cab to the Agartala border and have just crossed over,” pahayag naman ni Mohammed Faiz Abdullah Khan, isa pang estudyante sa parehong kolehiyo.
Nakauwi ang ilang Indian students matapos ang anim na oras na paglalakbay sa pamamagitan ng taxi, at security escort.
Sa Meghalaya, sinabi ng mga opisyal na mahigit 200 Indians ang tumawid sa border dahil sa mga kilos-protesta. Ilang mag-aaral naman mula sa Bhutan at Nepal ang pumasok din sa India.
Hindi bababa sa 104 indibidwal ang nasawi at mahigit 2,500 ang sugatan sa sagupaan sa pagitan ng mga estudyante, government supporters at security forces. Nagsimula ang mga kilos-protesta noong nakaraang buwan matapos muling pairalin ng high court ang 30 per cent reservation sa government jobs para sa mga miyembro ng pamilya ng freedom fighters at mga beterano mula sa 1971 War of Independence. RNT/SA