MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos na bubuksan sa lalong madaling panahon ang Presidential Museum sa Baguio Mansion House.
“I’m thrilled to announce an exciting new addition to our Malacañang Heritage Mansions — the Presidential Museum at the Baguio Mansion House,” ayon sa Unang Ginang sa kanyang post sa Instagram.
Isiniwalat naman ng Unang Ginang na nakipagpulong muna siya sa ilang opisyal, araw ng Huwebes para isapinal ang naturang plano para sa soft opening ng museum.
Inimbitahan ng Unang Ginang ang publiko sa isang ‘sneak peek’ sa Presidential Museum sa pamamagitan ng pagbisita sa museums.gov.ph.
Sa kabilang dako, ang bagong museum ay mayroong pitong gallery na magpapakita ng tagumpay ng mga nakalipas na Pangulo ng bansa at maging ng kasalukuyang Pangulo na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ipakikita rin sa gallery ang historical timelines at maging ang ilang artifacts.
“This beautiful space will be open to the public very soon and I can’t wait for everyone to see it!” ayon sa Unang Ginang.
Mayroon ding shop ang museum para sa publiko para bumili ng mga souvenirs.
Samantala, ang Baguio Mansion House ay matatagpuan sa Romulo Drive sa Baguio City, sa kabila ng Wright Park. Kris Jose