Home ENTERTAINMENT Kyline, solo na rarampa sa GMA Gala; Kobe, niligwak!

Kyline, solo na rarampa sa GMA Gala; Kobe, niligwak!

138
0

Manila, Philippines – Let her have her solo moment.

Ito ang payo ng management company ni Kyline Alcantara as she prepares to attend the GMA Gala Night.

Slated on July 24, literal na bababa mula sa kalangitan ang mga bituin as they converge in an evening of fun, glamor and merrymaking.

Maging ang mga non-GMA talents kasi ay inaasahang dadalo tulad ng mga hosts ng It’s Showtime led by Vice Ganda.

Of the Kapuso artists, inaabangan ang pagdating ni Kyline Alcantara.

Pero may pasabi na ang management office nito: her fans are in for a big disappointment.

Solo kasing rarampa sa red carpet ang singer.

Ang inaaasahan ng mga fans na escort niya na si Kobe Paras ay ipinaliligwak ng kampo ni Kyline.

Ito’y para raw lalong lumutang si Kyline on her own.

Napapayag naman daw mismo ang singer, dahil after all, sunud-sunod na nga naman ang sightings sa kanila ni Kobe.

Maanong sa isang malaking showbiz event ay magkanya-kanya muna sila.

Mahirap din daw kasi na masyadong identified sina Kyline at Kobe sa isa’t isa, mataas daw ang expectations ng mga fans.

The two were last sighted at a non-showbiz friend’s birthday party, kung saan nag-viral ang mga litrato nila.

Wala na talaga silang kawala, kahit saan magpunta’y laging may nakabuntot! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here