Home NATIONWIDE Higit 300 nalibing sa Papua New Guinea landslide – ulat

Higit 300 nalibing sa Papua New Guinea landslide – ulat

MANILA, Philippines- Mahigit 300 indibidwal at lampas 1,100 tahanan ang natabunan sa malawakang pagguho ng lupa sa isang lugar sa northern Papua New Guinea, base sa local media nitong Sabado.

Daan-daan ang pinangangambahang patay sa landslide na tumama sa Kaokalam village sa Enga Province, halos 600 km (370 miles) northwest ng capital Port Moresby, bandang alas-3 ng madaling araw nitong Biyernes (1900 GMT noong Huwebes).

Nalibing sa landslide sa Pacific nation north ng Australia ang mahigit 300 indibidwal at 1,182 bahay, base sa Papua New Guinea Post Courier, batay sa komento ng miyembro ng parliament na si Aimos Akem. RNT/SA