Home HOME BANNER STORY PH Navy: ‘Monster’ ship ng Tsina naglayag sa katubigan ng Pinas

PH Navy: ‘Monster’ ship ng Tsina naglayag sa katubigan ng Pinas

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Navy na naglayag ang pinakamalaking coast guard ship na pagmamay-ari ng China, sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa West Philippine Sea nitong Biyernes na tinawag ng US maritime security expert na aksyon upang i-“normalize” ang presensya ng Chinese at hurisdiksyon sa mga katubigang ito.

Inihayag ni Commodore Roy Vincent Trinidad, Navy spokesperson for the West Philippine Sea, na namataan ang 165-meter China Coast Guard (CCG) ship na may bow number 5901, at tinatawag na “The Monster,” 93 kilometro (50 nautical miles) mula Panatag (Scarborough) Shoal, saklaw ng 370-kilometer EEZ ng bansa.

Ayon kay Trinidad sa panayam sa sidelines ng 126th anniversary ng Philippine Navy sa Manila, magkakaroon ng “appropriate response” mula sa National Task Force for the West Philippine Sea.

Sinabi niyang ang aksyon ay isasagawa “most likely” ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil isang CCG vessel ang sangkot.

Inilahad naman Ray Powell, pinuno ng Project Myoushu (South China Sea) sa Gordian Knot Center for National Security Innovation sa Stanford University, sa post sa X nitong Biyernes na kasama ng monster ship ng CCG ay mas maliit na CCG vessel.

“Over the past 24 hours, the world’s largest coast guard ship, the 165-meter China Coast Guard 5901, together with the 102-meter CCG 5203, conducted a brief intrusive patrol into the Philippines’ exclusive economic zone west of Scarborough Shoal,” anang opisyal nitong Biyernes.

Ayon kay Powell, nagsasagawa ang China ng “intrusive patrols deep within the exclusive economic zones of neighboring countries to establish a continuous presence and gradually normalize Chinese jurisdiction over areas granted to its neighbors under international law.”

Kasunod ang presensya ng pinakamalaking coast guard ship ng China ng civilian-led convoy noong nakaraan linggo ng apat na fishing boats patungong Panatag, kilala rin bilang Bajo de Masinloc, halos 246 km kanluran ng Zambales, upang magdala ng food supplies at langis sa mga mangingisdang Pilipino sa traditional fishing ground at igiit ang sovereign rights ng Pilipinas sa EEZ nito. RNT/SA