Home NATIONWIDE Higit 31,000 PDLs boboto; BJMP handa na

Higit 31,000 PDLs boboto; BJMP handa na

MANILA, Philippines – Handa na ang Bureau of Jail Management and Penology (BMJP) para sa Eleksyon 2025, kung saan mahigit 31,000 PDLs ang boboto sa higit 400 special polling precincts sa loob ng mga kulungan.

Tinatayang 1,000 PDLs ang dadalhin sa labas upang bumoto sa community precincts.

“Mayroon po tayong humigit 31,000 na botante na boboto ngayong halalan out of 115,000 nationwide. Mayroon lang tayong mga nasa 1,000 na PDL na dadalhin sa labas sa mga community polling precinct natin. So far, okay naman ang preparation,” ani BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera sa isang press conference.

“Dito po 115,000 ang total population, so around nasa 80,000 plus ang hindi boboto dahil hindi sila registered as voters. Ganoon din po sila ang mga newly commit o bagong kulung pa lamang at hindi nakapagparehistro kung saan nasa ang location ng aming kulungan,” dagdag pa niya.

Ayon sa BJMP, kasama sa proseso ang Comelec, PNP, at mga jail officers, at pinapayagan din ang mga observers basta’t dumaan sa security inspection.

May 7 PDLs na tumatakbo sa halalan, kabilang ang para sa senador, kinatawan, at mga lokal na posisyon.

Binigyang-diin ng BJMP na may karapatang bumoto ang mga PDL maliban kung napatunayang guilty.