Home NATIONWIDE AFP palakasin, NTF-ELCAC buwagin – Kiko

AFP palakasin, NTF-ELCAC buwagin – Kiko

MANILA, Philippines – Nais ni dating senador Kiko Pangilinan ang pagbuwag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at iginiit na dapat palakasin na lamang ang kakayahan ng AFP upang tugunan ang problema sa insurgency.

“Let’s just strengthen the Armed Forces of the Philippines and not have a separate task force. Let the AFP do its job, together with the other agencies and departments of government,” ani Pangilinan sa Cebu City.

“I’m not in favor of the insurgency, I believe that there are approaches that are more effective,” aniya pa.

Ayon sa kanya, may mas epektibong paraan para resolbahin ang ganitong isyu. Salungat ito sa paninindigan ni Pangulong Marcos na panatilihin ang task force at dagdagan pa ang pondo para sa mga proyektong kaunlaran ng barangay. RNT