Home NATIONWIDE Higit 3K residente lumikas sa bakbakan sa Maguindanao

Higit 3K residente lumikas sa bakbakan sa Maguindanao

1
0

MANILA, Philippines –  Lumikas ang mahigit 3,000 residente sa kani-kanilang tahanan kasunod ng sagupaan ng mga armadong grupo sa Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur.

Kasabay nito ay pitong miyembro pa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasugatan sa mga sagupaan.

Ayon kay Police Major Guiseppe Tamayo, spokesperson para sa Maguindanao del Sur Police Provincial Office, ang mga sugatang MILF fighters ay mula sa mga grupo na pinangungunahan nina Commander JP Felmin at Mamo ng MILF 106th Base Command.

Ang sagupaan ay sumiklab noong Huwebes, Oktubre 9 nang magpalitan ng putok ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), armed wing ng MILF sa armadong grupo na inakusahang nananakot sa mga komunidad sa Barangay Kulambog.

Sumasailalim sa decomissioning ang BIAF sa ilalim ng peace agreement na pinirmahan noong 2014.

Hanggang nitong Sabado, 625 pamilya o 3,125 indibidwal ang lumikas sa kanilang mga tahanan.

Ang mga evacuee ay tumutuloy sa evacuation center sa Barangay Kulambog Proper at Barangay Papakan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here