Home METRO Higit 400 residente nananatili sa evacuation centers sa OccMin

Higit 400 residente nananatili sa evacuation centers sa OccMin

CITY OF CALAPAN- Iniulat ng municipal social welfare and development office ng San Jose sa Occidental Mindoro nitong Linggo na 118 pamilya o 426 indibidwal ang nananatili sa 12 evacuation centers sa kanilang bayan dahil sa masamang panahon.

Hanggang alas-3 ng hapon nitong Linggo, sinabi ng municipal information office na wala pang evacuees na nagtungo sa evacuation centers nitong Sabado ang umuwi na sa kanilang tahanan sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng southwest monsoon.

Samantala, suspendido ang mga klase sa lahat ng lebel, sa public at private schools, ngayong Lunes, Setyembre 16. RNT/SA