Home NATIONWIDE Higit 500 personnel ng BuCor nanumpa sa tungkulin

Higit 500 personnel ng BuCor nanumpa sa tungkulin

MANILA, Philippines- Pormal na nanumpa na sa tungkulin ang bagong promote na Bureau of Corrections chief superintendent at 504 personnel na may ranggong corrections officer 1 (CO1) matapos sumailalim sa anim na buwang training.

Sinaksihan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang graduation ceremony ni Corrections Technical Chief Superintendent Ma. Ceclia V. Villanueva na idinaos sa headquarters ng BuCor sa Muntinlupa City.

Itatalaga ang 343 na lalaki at 161 babaeng corrections officers sa iba’t ibang prison facilities ng BuCor sa bansa.

Ang mga ito ay sumailalim sa masusing pagsasanay sa Corrections National Training Institute (CNTI) ng BuCor.

Nagpasalamat naman si Villanueva kay Catapang matapos i-promote sa ranggong katumbas ng heneral.

Kumpiyansa si Catapang na malaking tulong sa mga ipinatutupad na reporma sa BuCor ang pagpasok ni Villanueva at ng bagong corrections officers.

“We are just beginning. Ngayong nakikita na natin ang mga pagbabago dito sa BuCor tuloy-tuloy na ito mangyayari.” Teresa Tavares