Home NATIONWIDE Higit 500 Pinoy sa Lebanon gusto nang umuwi ng Pinas

Higit 500 Pinoy sa Lebanon gusto nang umuwi ng Pinas

136
0

MANILA, Philippines – Mahigit 500 Pilipino sa Lebanon ang naka-avail ng boluntaryong repatriation sa gitna ng lumalalang hidwaan sa pagitan ng Israeli forces at Hezbollah, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) noong Sabado.

Sa 11,000 Pilipino sa Lebanon, na karamihan ay mga domestic worker, mahigit 500 ang “nagpahayag ng layuning umuwi,” sabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa isang media forum sa Quezon City.

Nasa 350 Filipino na ang repatriation ay pinoproseso ng Lebanese immigration, 178 ang kasalukuyang nananatili sa mga shelter sa Beirut.

Samantala, 221 Pinoy ang nag-book ng ticket para makauwi sa pagitan ng Oktubre 12 at Oktubre 28.

“Patuloy tayong na nanghihikayat na mag-avail ng voluntary repatriation,” dagdag pa ni Cacdac. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here