MANILA, Philippines – Iniurong ang deadline ng paghahain ng petisyon laban sa mga tumakbong kandidato na maituturing na nuisance.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ang itinakda ng deadline para sa filing ng petisyon ay mula Lunes, Okt.14 hanggang Miyerkules, Okt.16.
“Please take notice that the Commission (en banc) approved the extension of the deadline for the filing of Petitions Against Nuisance Candidates from Monday, 14 Oct. 2024 to Wednesday, 16 Oct.
2024, from 8 a.m. to 5 p.m., in view of Comelec Memorandum dated 11 October 2024, in relation to Memorandum Circular No. 66 of the Office of the President on work suspension in the Cities of Manila and Pasay on 14 and 15 October 2024,” ayon sa abiso ng komisyon .
Binanggit ng Comelec sa memo nito na may petsang Okt.11 na ang pagpapalawig ay alinsunod sa kautosan ng Malacañang sa suspensyon ng trabaho sa gobyerno sa nasabing mga petsa para sa pagsasagawa ng international event sa Pasay City.
Sa anunsyo ng Malacañang, suspendido ang trabaho at klase sa Pasay at Manila City sa Okt.14 at 15 dahil na rin sa idadaos na Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR).
Ang aktibidad ay inaasahan na makakapagpabigat ng trapiko dahil sa mga darating na mga kalahok.
Sinabi ng Comelec na binibigyan nito ang publiko ng limang araw pagkatapos ng panahon ng paghahain ng certificates of candidacy para maghain ng mga petisyon laban sa mga aspirante na naghahangad ng pambansa o lokal na posisyon sa May 2025 midterm polls. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)