CEBU CITY – Nasamsam mula sa isang 51-anyos na babae ang P34 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust dito Biyernes.
Ayon sa pulisya na mahigit dalawang buwan nang binabantayan ng Philippine Drug Enforcement-Central Visayas (PDEA-7) ang suspek na residente ng Barangay Cogon dito.
Bukod sa limang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang limang kilo, nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang mobile phone at iba pang ebidensyang hindi naka-droga.
Base sa imbestigasyon, napag-alamang sa Metro Manila nakukuha ng suspek ang droga. RNT