Home NATIONWIDE Higit 500K miyembro ng GSIS nakatanggap ng refunds sa Balik Ginhawa program

Higit 500K miyembro ng GSIS nakatanggap ng refunds sa Balik Ginhawa program

114
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) na nakapaglabas na ito ng loan amortization refunds sa mahigit 525,000 miyembro at pensyonado sa ilalim ng Balik Ginhawa program, na umabot na sa P7.3 bilyon hanggang Abril 20.

Saklaw ng payout ang 525,447 na naaprubahang aplikasyon mula sa kabuuang 598,420, o halos siyam sa bawat sampung aplikante, habang patuloy pa ang pagproseso ng iba.

Inatasan na ng GSIS ang mga partner banks na kumpletuhin ang pag-credit ng humigit-kumulang P7.5 bilyon, at inaasahang maideposito ang natitirang halaga sa loob ng susunod na mga araw ng trabaho.

Ayon kay GSIS President at General Manager Jose Arnulfo Veloso, bahagi ang refund sa mas malawak na tugon ng gobyerno sa pagtaas ng gastusin.

“Ang Balik Ginhawa ay tumatalima sa utos ng mahal na Pangulo na makapagbigay ng agarang tulong sa aming mga miyembro at pensyonado (Balik Ginhawa complies with the directive of the President to provide immediate assistance to our members and pensioners),” Veloso said.

Sa ilalim ng programa, makakatanggap ang kwalipikadong borrower ng one-time refund na katumbas ng hanggang tatlong buwan ng loan amortization mula Disyembre 2025 hanggang Pebrero 2026, nang walang dagdag na interes o multa. Magpapatuloy ang regular na hulog ngunit hahabaan ang loan term.

Isinasagawa ang aplikasyon sa pamamagitan ng GSIS Touch kung saan makikita ng miyembro ang kanilang eligibility at halaga ng refund.

Ayon sa GSIS, matatanggap ang refund sa loob ng tatlong working days kapag aprubado, habang ang mga hindi kwalipikado ay aabisuhan din sa app.

Ang Balik Ginhawa ay bahagi ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport (UPLIFT) na layong mabawasan ang epekto ng fuel crisis sa mga manggagawa at kanilang pamilya.

Bukas pa rin ang boluntaryong aplikasyon hanggang Oktubre 31, 2026. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here