Home HOME BANNER STORY Iran umatras sa US talks, tensyon tumindi

Iran umatras sa US talks, tensyon tumindi

108
0

TEHRAN, Iran – Iniulat ng state media ng Iran na wala silang planong makilahok sa susunod na usapan sa United States, sa gitna ng ulat na papunta ang US negotiators sa Pakistan sa utos ni Pangulong Donald Trump, ilang araw bago mag-expire ang ceasefire sa Middle East.

Nanatiling pangunahing isyu ang blockade ng US sa mga pantalan ng Iran. Lalong tumindi ang tensyon noong Linggo nang paputukan at harangin ng isang US destroyer ang isang Iranian vessel na tangkang tumakas.

Nagbanta ang Tehran na gaganti, at ayon sa Tasnim news agency, nagpadala ang Iran ng drones patungo sa mga barkong militar ng US matapos makuha ang kanilang sasakyang-dagat.

Sinabi ng state broadcaster na IRIB na “there are currently no plans to participate in the next round of Iran-US talks.” Samantala, sinabi ng Fars at Tasnim na “the overall atmosphere cannot be assessed as very positive,” at iginiit na dapat munang alisin ang blockade bago ang negosasyon.

Ayon sa IRNA, walang malinaw na pag-asa para sa matagumpay na usapan dahil sa blockade at “unreasonable and unrealistic demands” ng US.

Malapit nang matapos ang dalawang linggong ceasefire sa pagitan ng Iran, US, at Israel, na nagsimula matapos ang biglaang US-Israeli strikes sa Iran noong Pebrero 28.

Nagkaroon pa lamang ng isang 21-oras na pag-uusap sa Islamabad noong Abril 11 ngunit walang naging kasunduan.

“We’re offering a very fair and reasonable DEAL, and I hope they take it,” Trump said, kasabay ng panibagong banta laban sa imprastraktura ng Iran kung walang kasunduan.

Nasa ilalim ng pressure si Trump matapos tangkaing hadlangan ng Iran ang Strait of Hormuz, na dinadaanan ng malaking bahagi ng pandaigdigang suplay ng langis at gas.

Bilang tugon, nagpatupad ang US ng naval blockade sa mga pantalan ng Iran. Ayon kay Trump, isang malaking cargo ship ng Iran ang “tried to get past our Naval Blockade, and it did not go well for them.”

Nagbabala naman ang Iran na gaganti sa tinawag nitong “armed piracy” ng US.

Sinabi rin ni Iranian foreign ministry spokesperson Esmaeil Baqaei na ang blockade ay “a violation” ng ceasefire at isang iligal na parusa laban sa mamamayan ng Iran.

Bagama’t pansamantalang binuksan ng Iran ang Strait of Hormuz noong Biyernes bilang pagkilala sa ceasefire sa Lebanon, muli itong isinara kinabukasan dahil ipinagpatuloy ng US ang blockade.

Ilang oil at gas tankers ang nakadaan habang bukas ito, ngunit pagsapit ng Linggo ay wala nang dumaraang sasakyang-dagat sa nasabing daanan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here