Home NATIONWIDE Higit 5K sasakyan nahuli mula Hulyo ‘gang Setyembre 2024 – LTO-NCR

Higit 5K sasakyan nahuli mula Hulyo ‘gang Setyembre 2024 – LTO-NCR

150
0

MANILA, Philippines – Mahigit 5,000 motorista ang nahuli ng Land Transportation Office in the National Capital Region (LTO-NCR) dahil sa iba’t ibang paglabag sa ikatlong quarter ng 2024.

Sa pahayag nitong Biyernes, Oktubre 11, sinabi na nasa kabuuang 5,769 drayber ang inisyuhan ng ticket mula Hulyo hanggang Setyembre, kung saan 2,451 ang lumabag sa Land Transportation and Traffic Code, kabilang ang 355 kaso sangkot ang unregistered vehicles.

Nasa kabuuang 1,625 motorista naman ang nahuli dahil sa hindi paggamit ng seatbelts, sinundan ng 888 motorista na bumibiyahe nang may depektibong accessories, at 593 motorista na walang suot na standard motorcycle helmets.

Sa hiwalay na ulat, nakahuli rin ang Department of Public Works and Highways at Philippine National Police ng 727 drayber sa kaparehong panahon.

Para sa buwan ng Hunyo, sinabi ng LTO na aabot sa 10,000 sasakyan ang nahuli nila sa buong bansa sa ilalim ng “No Registration, No Travel” policy.

Sa mga nahuli, motorsiklo ang pinakamarami sa 6,824, sinundan ng tricycle sa 1,787, private vans sa 954, private sedans sa 451, at trak sa 230. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here