Home NATIONWIDE Higit 7 taon pananatili ng 4Ps beneficiaries sa programa, target ng DSWD

Higit 7 taon pananatili ng 4Ps beneficiaries sa programa, target ng DSWD

280
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) na target nilang palawakin ng higit sa pitong taon ang mga benepisyaryo ng 4Ps na manatili sa programa sa pamamagitan ng pag-amyenda sa batas.

Ayon kay Secretary Rex Gatchalian, tugma ito sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr. na bigyang-priyoridad ang kapakanan at pag-unlad ng mga pamilyang nangangailangan.

“Tinignan ng Pangulo yung kapakanan nila at yung estado nila sa buhay rather than yung pipilitin natin na alis sila sa programa, masasayang ang pamumuhunan natin sa kanila at masasayang yung programa sa whole,” dagdag pa niya.

Giit ni Gatchalian, dapat nakabatay ang paglabas sa programa sa kakayahan ng pamilya na maging self-sufficient, hindi lang sa bilang ng taon.

Sa kasalukuyang patakaran, halos dalawang milyong Pilipino ang nakatakdang lumabas sa 4Ps sa 2026. Simula 2022, nasa 1.4 milyon na ang nagtapos sa programa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here