MANILA, Philippines – Inilikas ng Philippine Coast Guard Zamboanga City ang 750 residente bunsod ng matinding pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan sa nasabing probinsya.
Sa ulat na natanggap ng PCG, mabilis ang pagtaas ng tubig baha kaya kinailangang ilikas ang mga apektadong residente.
“Our personnel work tirelessly to rescue those in need and provid them with the necessary support,” sinabi ni Commodore Marco Antonio Gines.
Samantala, 16 vessel ang sumadsad sa ibat-ibang lugar sa Zamboanga region dahil sa naranasang southwest monsoon.
Agad din namang nagsagawa ng oil spill monitoring ang PCG na kalaunan ay negatibo naman.
Hinimok ng coast guard ang publiko na manatiling mapagmatyag at gawin ang kinakailangang pag-iingat sa panahon na masama ang panahon.
Pinayuhan din ng coast guard ang mga seaferers na pansamantalang suspendihin ang kanilang paglalayag kapag malakas ang hangin at ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden