Home ENTERTAINMENT Kyline at Kobe, nilaglag ang mga sarili!

Kyline at Kobe, nilaglag ang mga sarili!

94
0

Manila, Philippines – Kung nais ng isang artista na gawing pribado ang kanyang mga “romantic dates” ay bakit siya pa ang nagta-tag ng mga ito sa social media?

Ibig lang sabihin, he or she wants those dates publicized.

At pag naisapubliko nga naman ‘yon, chances are ay posible pa silang masundan ng mga netizens para makiusyoso.

Hindi nalalayo ang constant magka-date na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.

Itinag kasi ng Kapuso star ang Toyo Eatery sa Makati.

Itinag naman ni Kobe ang ceramic plate na signature dinning item doon.

Hayun tuloy, nasundan sila ng mga Marites sa resto na kasama lang naman sa Asia’s top restaurants.

Wala na ngang ligtas sina Kyline at Kobe dahil maging ang paglabas nila doon ay documented, as in recorded.

Wala silang ipinost na pictures together kundi ang order nila composed of fish, prawns, among others.

May nakakaintrigang photo lang na finlex si Kyline: ang kanyang mga kamay.

At sa masusing pagtutok, mapapansin ang suot-suot niyang singsing.

Kaya tanong ng mga netizens: galing ba ‘yon kay Kobe?

Ganoon na ba sila katagal nagde-date para may bigayan na ng singsing?

Matatandaang prior to this ay sighted din sila sa isang high-end resto sa BGC.

‘Yun ba ang “paandar” ni Kobe: ang i-impress ang kursunada niyang girl by bringing her to expensive restos?

Anyway, magkakaalaman na sa July 24 as GMA holds its gala night: sina Kyline at Kobe ba ang magka-date? Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here