Home ENTERTAINMENT Ate Vi, hati ang puso sa 2 MMFF movies!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ate Vi, hati ang puso sa 2 MMFF movies!July 15, 2024 16:03 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Anytime soon ay recharged nang makakabalik ng bansa si Vilma Santos from her well-deserved US vacay.Inaasahang sa pagbabalik ng Star for All Seasons ay tututukan niya ang dalawang pelikulang ino-offer sa kanya.Both movies hopefully ay kalahok sa 50th Metro Manila Film Fesrival this year.Ang una, makakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon si Judy Ann Santos.This early ay excited na si Ate Vi to be working with Juday.Bale ba, ang nakadagdag ng excitement ni Ate Vi ay dahil ang magdidirek nito’y si Chito Roño.Ang ikalawang offer sa kanya is what she considers as her dream project.Pagkabasa pa lang daw kasi ni Ate Vi ng kuwento’y nainlab na siya.Mula naman ito sa collab ng mag-asawang Dan Villegas at Antoinette Jadaone.At this point though, nothing is definite yet.Ipa-finalize pa raw ang kabuuan ng parehong film projects once she returns from US.Minsan nang sinabi ng aktres na two movoes at the most per year ang gusto niyang magawa.Pero posible ba ‘yon lalo’t maugong ang balitang she’s seeking an elective post bilang Governor ng lalawogan ng Batangas uli?At gaano katotoo na tatlo na sila sa pamilya ang may tatakbuhang puwesto?Balitang sa lokal makikipagsapalaran si Luis Manzano, Lipa City mayor nga ba?Maging si Ryan Christian na kaisa-isa nilang anak ni Finance Secretary Ralph Recto ay sa Congress naman daw tatakbo.Kunsabagay, sa October pa naman ang filing ng certificate of candidacy para sa 2025 mid-term elections.Anything can happen between now and October. Ronnie Carrasco III