Home NATIONWIDE Higit 7K aspirants nagparehistro ng socmed accounts – Comelec

Higit 7K aspirants nagparehistro ng socmed accounts – Comelec

MANILA, Philippines – Mahigit 7,000 aspirants sa Eleksyon 2025 ang nakapagrehistro ng kanilang social media accounts sa Commission on Elections nitong Lunes.

Sa datos na ibinahagi ng Comelec, lumabas na noong Lunes, Disyembre 9, 2024, nasa kabuuang 5,195 aspirants para sa 2025 NLE ang nagsumite ng kanilang rehistrasyon online at 2,709 na taya ang nagsumite ng mga hard copy ng mga kinakailangang dokumento.

Itinakda ng Comelec ang deadline para sa pagpaparehistro ng online campaign platforms sa Biyernes, Disyembre 13, 2024. Walang extension sa deadline, naunang sinabi ng poll body.

Batay sa Comelec Resolution No. 11064, ang lahat ng mga kandidato, partido, at kanilang mga campaign team ay inaatasan na irehistro ang lahat ng kanilang mga opisyal na social media account at pages, website, podcast, blog, vlog, at iba pang online at internet-based na campaign platform bago ang Comelec education and information division sa loob ng 30 calendar days matapos ang paghain ng certificates of candidacy.

Susuriin ng task force ng halalan ang mga aplikasyon at ieendorso ang mga ito para sa pag-apruba o pagtanggi sa Commission en banc. Ang mga aprubadong pagpaparehistro ay ilalathala sa opisyal na website at social media account ng Comelec

Nauna rito, inamyendaHAN ng Comelec ang resolusyon, na nag-exempt ng privately-owned accounts na nag-eendorso sa mga kandidato sa mandated registration. RNT