Home METRO Davao Occidental niyanig ng M-5.2 na lindol

Davao Occidental niyanig ng M-5.2 na lindol

112
0

MANILA, Philippines – Ginising ng magnitude 5.2 na lindol ang Davao Occidental nitong Miyerkules ng umaga, Disyembre 11, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa bulletin nito, sinabi ng PHIVOLCS na tumama ang lindol sa lalawigan alas-5:26 ng umaga. Natunton ang epicenter nito mga 296 kilometro timog-silangan ng Sarangani Island.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 10 km.

Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala, ngunit posibleng magkaroon ng aftershocks. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here