Home NATIONWIDE 31 lindol, 2 ash emission naitala sa Mt. Kanlaon

31 lindol, 2 ash emission naitala sa Mt. Kanlaon

MANILA, Philippines – Patuloy na nagliligalig ang Mount Kanlaon sa Negros Island sa Visayas kung saan nakapagtatala ng dalawang ash emission events at 31 volcanic earthquakes sa huling 24 na oras simula hatinggabi ng Disyembre 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) .

Sinabi ng PHIVOLCS na ang paglabas ng abo na tumatagal ng 11 hanggang 39 minuto ay nagbunga ng ash plumes na tumaas hanggang 100 metro ang taas.

Iniulat din ng mga seismologist ng estado ang “continuous degassing” mula sa Kanlaon Volcano summit crater. Idinagdag nito na ang edipisyo ng bulkan ay nananatiling “inflated.”

Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa bulkan na sinabi ng PHILVOCS na “nagsimula na ang magmatic eruption na maaaring umusad sa mas maraming explosive eruptions.”

Sa antas ng alerto, inirekomenda ang paglikas mula sa anim na kilometrong radius mula sa summit ng bulkan.

Nagbabala rin ang PHILVOLCS sa mga posibleng panganib na maaaring mangyari tulad ng biglaang pagsabog, pagdaloy ng lava o pagbubuhos, ashfall, rockfall, pyroclastic density current, o lahar sa panahon ng malakas na pag-ulan.

Noong Martes, sinabi ng Office of Civil Defense na may kabuuang 9,403 indibidwal o 2,880 pamilya ang inilikas sa limang lungsod at bayan sa Negros Occidental matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon. RNT