Home METRO Higit 10,000 NegOc residents inilikas sa pagputok ng Kanlaon

Higit 10,000 NegOc residents inilikas sa pagputok ng Kanlaon

MANILA, Philippines – Mahigit 10,000 residente sa Negros Occidental ang inilikas kasunod ng pagputok ng Kanlaon Volcano noong Lunes ng hapon.

Mula sa datos ng Negros Occidental Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), ang mga sumusunod na lugar ay kasalukuyang mayroong sumusunod na bilang ng evacuees:

La Castellana: 7,294
Bago City: 1,486
La Carlota City: 1,258
Pontevedra: 722
Moises Padilla: 36

Sa kabila ng mga panganib, maraming residente malapit sa bulkan ang piniling manatili sa kanilang mga tahanan sa kabila ng panganib na dulot ng zero-visibility ashfall.

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways ang flushing operations sa Barangay Ara-al, kung saan ang mga residente ang higit na apektado.

Ang bulkan ay kasalukuyang nasa Alert Level 3 (magmatic unrest) kasunod ng kamakailang pagputok bandang 3:03 p.m. noong Lunes. RNT