Home NATIONWIDE P265M lotto jackpots mailap sa mananaya

P265M lotto jackpots mailap sa mananaya

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang nanalo sa major jackpot draw sa draw nitong Martes ng gabi.

Ang mga panalong numero para sa Ultra Lotto 6/58 jackpot ay nagkakahalaga ng P204,948,537.60 kung saan walang nakahula sa winning digits na 28-09-51-46-43-18.

Wala ring nakahulan sa panalong kumbinasyon para sa Superlotto 6/49 na 45-32-07-42-36-05 kung saan umabot sa P40,475,634.80 ang jackpot.

Para sa Lotto 6/42, ang kumbinasyong lumabas ay 10-05-33-04-24-29 na mayroong P20,261,390.00 lotto jackpot. RNT