Home METRO #WalangPasok, Dis. 11 sa sama ng panahon, pagsabog ng Kanlaon

#WalangPasok, Dis. 11 sa sama ng panahon, pagsabog ng Kanlaon

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase ngayong Miyerkules, Disyembre 11, 2024 sa ilang lugar dahil sa sama ng panahon at pagputok ng Mt. Kanlaon.

Kabilang ang Pagbilao, Quezon na nagsuspinde ng klase sa kinder hanggang senior high school, sa public at private na school bunsod ng masamang panahon.

Samantala, suspendido ang klase sa mga sumusunod na lugar dahil sa pagsabog ng Mt. Kanlaon:

Negros Occidental

Bago City – lahat ng antas, pampubliko at pribado
La Carlota – lahat ng antas, pampubliko at pribado
La Castellana – lahat ng antas, pampubliko at pribado

RNT