Home NATIONWIDE Higit 800 Pinoy at foreign nationals sa Tarlac POGO hub na sangkot...

Higit 800 Pinoy at foreign nationals sa Tarlac POGO hub na sangkot sa crypto, love scams nasagip

MANILA, Philippines – Mahigit 800 Filipino at foreign nationals ang nasagip sa malaking Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firm sa Bamban, Tarlac matapos lusubin dahil sa umano’y illegal na aktibidad katulad ng crypto at love scams.

Nagsagawa ng joint raid ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa 10-hectare compound ng Zun Yuan Technology Incorporated nitong Miyerkules, Marso 13.

“’Yung mismong establishment na ito ay legal, may mga papeles with PAGCOR and sa local government but ang tinitignan natin dito how they operate,” sinabi ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz.

“Number one, ‘yung serious illegal detention na iniimbestigahan natin. ‘Yung human trafficking,” ani Cruz.

Inisyu ang search warrant matapos na makatakas ang isang Vietnamese national at maghain ng reklamong physical injuries at serious illegal detention laban sa mga operator ng POGO firm.

Sinabi rin na pwersahan umanong pinagsasagawa ng scamming activities ang mga dayuhan, at sinasaktan pa kung hindi maaabot ang arawang quota.

“Extensive search is still ongoing. Sa mga buildings. We understand that there is an underground establishment and maybe a tunnel, which we are looking for. Possibly, mayroon din silang torture chamber dito,” ayon kay National Inter-agency Task Force Against Trafficking Chairperson Jonathan Lledo.

Nasagip ng mga awtoridad ang daan-daang Filipino, Chinese, Malaysians, Vietnamese at iba pang foreign national, saka inaresto ang ilang suspek sa pag-ooperate ng hinihinalang scam hub.

Nasamsam din ang ilang armas sa lugar.

Samantala, maghahain ang PNP Anti-Cybercrime Group ng warrant to intercept and inspect sa mga computer at iba pang gadget sa loob ng POGO firm.

Susuriin na rin ng Bureau of Immigration ang immigration papers ng mga naarestong POGO employees. RNT/JGC

Previous articleGerman chancellor nagtanong tungkol sa ICC probe sa war on drugs – PBBM
Next articlePrison guard itinumba sa Ilocos