MANILA, Philippines – Naglabas ng espesyal na permit para sa 829 bus units ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang paghahanda sa Eleksyon 2025.
Ayon kay LTFRB spokesperson Ariel Inton, ang mga permit ay epektibo mula Mayo 9 hanggang 18, 2025.
Ilang aplikasyon ang hindi naaprubahan dahil sa kabiguang pumasa sa vehicle inspection, positibong resulta sa drug testing ng ilang drayber, at mga show-cause orders sa ilang bus terminals.
Nilinaw din ni Inton na walang permit na ibinigay para sa eksklusibong paggamit ng mga kandidato o panghatid ng mga botante.
“Wala pong inisyung permit na eksklusibo sa mga politiko,” aniya. RNT