Home METRO Higit 800 supporters ni Quiboloy dumagsa sa Liwasang Bonifacio

Higit 800 supporters ni Quiboloy dumagsa sa Liwasang Bonifacio

MANILA, Philippines – Dinagsa ng mga tagasuporta ni Pastor Apollo Quiboloy ang Liwasang Bonifacio na tanda ng kanilang pagkakaisa para suportahan ang lider ng Kingdom of Jesus Christ hapon ng Lunes, Marso 4.

Kasama sa nakiisa ang grupo ng mga tribo at ilang mga chapter mula sa ibat-ibang lugar para sa isinagawang prayer rally.

Bitbit ng mga supporters ang mga banner na may katagang “Restore Law and Order”, “We Support You Pastor Apollo Quiboloy”, “Protect the Constitution” at iba pa.

Si Pastor Quiboloy ay nahaharap sa kaliwat-kanang kontrobersiya kung saan ipinatatawag na rin siya ng Senado at Kamara kaugnay sa pagdinig sa prangkisa ng Sonshine Media Network International na kanyang pinamumunuan.

Partikular na kinakaharap na alegasyon laban kay Pastor Quiboloy ang umano’y pangmomolestiya sa mga babaeng myembro ng relihiyon na kanyang pinamumunuan.

Nagsagawa ng maikling programa ang mga supporters na umabot na sa mahigit-kumulang 800.

Ayon sa MPD, nagpapatuloy pa ang programa at patuloy din ang pagdagsa ng mga supporters.

May mga nakadeploy namang MPD personnel sa nasabing aktibidad para sa kaayusan at katahimikan ng isinasagawang prayer rally. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMaharlika ibinida sa Australian biz leaders
Next article2 bangkay natagpuan sa taniman ng kape