Home NATIONWIDE Higit 85K PDLs nakalaya sa pamamagitan ng paralegal services – DILG

Higit 85K PDLs nakalaya sa pamamagitan ng paralegal services – DILG

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 85,183 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Hunyo 2024 hanggang Mayo 2025 sa pamamagitan ng paralegal services ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Biyernes, Hunyo 27.

Ayon sa DILG, 11,139 PDLs ang ginawaran ng good conduct time allowance (GCTA), 8,280 ang pinalaya sa probation, 23 sa parole, at 8,825 sa bail.

Samantala, 7,431 PDLs naman ang na-acquit, 16,311 ang pinalaya matapos makumpleto ang kanilang sentensya, 340 ang inobliga sa community service, at 3,570 ang pinalaya sa recognizance.

Sinabi pa ng ahensya na 15,085 PDLs ang inilipat sa Bureau of Corrections, provincial jails, drug treatment centers, at youth detention facilities.

Nasa 5,667 kaso naman ang permanenteng naibasura habang 6,342 ang provisionally dismissed.

“The BJMP paralegal program is a key intervention aimed at addressing jail congestion, helping qualified PDLs gain timely access to legal remedies for early release,” saad sa pahayag ng DILG.

Dagdag pa, nagtatayo ang BJMP ng 43 bagong jail buildings, kabilang ang perimeter fences at standardized functional areas, sa buong bansa. RNT/JGC