Home NATIONWIDE DOE nagsagawa ng nuclear energy education program

DOE nagsagawa ng nuclear energy education program

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Energy (DOE) ang Nuclear 101 Training upang turuan ang key stakeholders, partikular ang local media practitioners, patungkol sa fundamentals ng nuclear energy bilang isang long-term alternative power source.

Sa pamamagitan ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) ng DOE, nagsilbi bilang strategic roadmap ng pamahalaan ang Nuclear Energy Program (NEP) sa pagtuklas sa nuclear power bilang isang long-term energy source at matugunan ang lumalagong pangangailangan sa enerhiya at mabawasan ang pag-asa sa fossil fuel.

Ayon kay DOE Nuclear Energy Division OIC Chief Shiela dela Cruz sa naturang event, mayroong “need to inform, involve and engage with stakeholders whose concerns and feedback are crucial in the country’s bid to embark on NEP, guided by the highest standards of the International Atomic Energy Agency (IAEA).”

Ang training program na isinagawa noong Hunyo 23 hanggang 26 sa Makati City ay nag-imbita sa mga media practitioner mula Palawan at Masbate para sa mga session na isinagawa ng mga eksperto mula sa National Power Corporation (NPC), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), at Philippine Nuclear Research Institute (PNRI).

Sakop ng sesyon ang nuclear energy principles, site selection criteria, at safety protocols sa ilalim ng NEP. Dagdag pa, tinalakay din ng mga eksperto ang kasaysayan ng nuclear energy at regulatory precautions na idinisenyo sa pag-promote ng informed public discourse.

Nagsagawa rin ng site visit ang mga lumahok sa Bataan Nuclear Power Plant. RNT/JGC