MANILA, Philippiens – Umabot na sa 272,096 na bata, o 61.2 porsiyento ng target na populasyon, ang nabakunahan laban sa tigdas at rubella sa Rehiyon ng Ilocos nitong Setyembre 2, ayon sa pinakabagong “Ligtas Tigdas” bulletin.
Sinasaklaw ng vaccination campaign ang mga batang edad 6 na buwan hanggang 59 na buwan sa buong rehiyon.
Sa mga pangkat ng edad, ang mga batang 24 hanggang 59 na buwan ang may pinakamaraming nabakunahan na 186,926, o may 63 porsiyentong coverage.
Sinundan ito ng 50,180 batang edad 13 hanggang 23 buwan o 55.6 porsiyento, at 34,900 batang edad 6 hanggang 12 buwan, o 60.7 porsiyento.
Ang Ilocos Norte ang may pinakamataas na coverage na 90.2 porsiyento, na may 38,442 batang nabakunahan.
Sinundan ito ng Ilocos Sur na may 40,657 nabakunahan, o 83.5 porsiyentong coverage, habang ang La Union ay nakapagtala ng 42,586, o 68 porsiyento.
Sa Pangasinan, 139,307 ang nabakunahan, katumbas ng 50.6 porsiyento, habang sa Dagupan City ay 11,104, o 72.2 porsiyento.
Nalampasan na ng ilang lokal na pamahalaan ang 95 porsiyentong target sa measles-rubella vaccination coverage.
Ang Batac City sa Ilocos Norte ang unang lungsod sa rehiyon na nakaabot sa target na may 98 porsiyentong coverage.
Sa mga bayan naman, nanguna ang Currimao na may 105.5 porsiyento sinundan ng Dingras na 105.1 porsiyento at Carasi na 104.2 porsiyento.
Ang Bantay sa Ilocos Sur ay nakapagtala ng 101 porsiyento, habang ang Marcos ay 97.5 porsiyento, Piddig 96.4 porsiyento, Solsona 96.1 porsiyento, Pinili 96 porsiyento at Pagudpud 95.7 porsiyento.
Hinihikayat ng mga health authority ang mga magulang at guardian na ipabakuna ang mga karapat-dapat na bata habang layunin ng kampanya na paigtingin ang proteksyon laban sa tigdas at rubella sa buong rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden