Home NATIONWIDE Bata nasagip ng mga pulis sa pagkalunod sa Ilocos

Bata nasagip ng mga pulis sa pagkalunod sa Ilocos

1
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng tourist police officers at mga opisyal ng barangay ang isang bata na muntik nang malunod habang naliligo kasama ang pamilya sa dagat sa Sinait, Ilocos Sur.

Nagsasagawa ng police presence ang mga tauhan ng Sinait Tourist Police Assistance Center (TPAC)sa Maldives of Ilocandia sa Barangay Dadalaquiten Sur nang marinig nila ang isang pamilya na humihingi ng tulong.

Ayon sa pulisya, ang bata ay nahirapang makalangoy sa mababaw na bahagi ng dagat.

Agad na rumesponde ang mga tourist police sa tulong ng mga opisyal ng barangay para madala sa ligtas na lugar ang bata.

Ibinyahe ng mga tauhan ng Sinait Municipal Police Station ang bata sa pinakamalapit na ospital. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here