MANILA, Philippines- Nasamsam ng pinagsanib na elemento ng PDEA Intelligence Service, PDEA Regional Office-National Capital Region (NCR), at PDEA Regional Office III, sa suporta ng AFP-Counterintelligence Group, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at ng Philippine National Police na nagpatupad ng search warrant sa loob ng isang bahay na matatagpuan sa kahabaan ng Orchid Street, Timog Hills Subdivision, Barangay Pampang, Angeles City, Pampanga, ang mga puting crystalline substance na hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng ₱1,054,000,000. Val Leonardo